Rock Force

A Website Portraiting Corregidor

Narratibong Pag-uulat


1. Project Overview

2. Project Elements


Project Overview

1. Paglalarawan ng Aming Komunidad

Ang Corregidor ay isang isla na korteng butete na matatagpuan sa kanluran ng Maynila. Ito ay may habang 1.5 milya sa pinakamalawak nitong punto at may laking apat na kilometrong kwadrado. Dahil sa digmaang naganap noon laban sa mga Hapon, karamihan sa mga gusali nito ay nasira na ngunit pinanatili pa rin para sa mga turista.

2. Buod ng aming Proyekto

Tinutukan ng aming proyekto ang paraan kung paano naapektuhan ng Corregidor ang kasaysayan ng Pilipinas at ng buong mundo. Naging isang napakalaking bahagi ito sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kaya naman naisipan ng buong grupo na ang islang ito ay babagay sa aming proyekto dahil sa kategoryang “Historical Landmarks” o “Makasaysayang Pook.” Makikita rin sa aming proyekto ang iba’t ibang lugar na naging dahilan kung bakit ganito na ang Corregidor ngayon, lalung lalo na para sa mga Pilipino. Narito rin ang mga kwento sa likod ng mga naglalakihang kanyon, at mga sira-sira ngunit nakatayo pa ring mga tirahan noon ng mga sundalo at iba pa.

3. Ang Tema ng Cyberfair

Ang Kapangyarihan at Magkaisa ay dalawang salita na gumaganap ng malaking papel sa paligsahan ng “Cyberfair”. Ang tema, na magpapaalala na tayo, mga kalahok, ay dapat magbigay ng kapangyarihan at magkaisa sa paggawa ng anumang gawain. Kami ay nagkaisa sa pagpili ng paksa, sa pagpili ng lokasyon at sa paggawa ng buong proyekto. Naisagawa namin nang buong husay ang gawain sa tulong ng aming mga facilitator.

4. Our computer and internet access

Sa aming mga tahanan, 90% ng aming grupo ang gumamit ng iba’t ibang mga kompyuter na may Internet access. Sa aming paaralan, mayroon kaming apat na laboratoryo ng mga kompyuter. Lahat ng ito ay mayroong 50 workstations na may Internet access speed na 1GBS. Kami ay nagtatrabaho sa isa sa apat na laboratoryo sa aming paaralan, lahat din ng mga ito ay may IBM na mga kompyuter unit, gaya ng 2.40GHz, 256MB ng RAM. Mabilis na nagbibigay rin sa amin ng Internet, ang PLDT DSL.

5. Problema na Kailangan Naming Malagpasan

Kahit nagtutulungan kami, ang mga problema ay hindi pa rin maiiwasan sa mga pagkakataong ito. Isa sa mga problemang ito ay ang kakulangan sa pera. Ito ay isang malaking pagsubok sa amin dahil kung wala nito hindi kami makakapunta sa Corregidor. Gayunman, nakapunta kami sa Corregidor dahil sa pag-aambag ng bawat isa ng kaunting halaga. Hindi nakarating ang aming tsuper kaya kami ay nagtaksi na lamang patungo sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Sumakay kami sa isang ferry boat mula sa CCP patungong Corregidor. Naging suliranin din namin ang transportansyon. Sa kabila ng mga suliraning nakaharap namin, kami ay masayang naglakbay.

6. Our Project Soundbite

Ang aming buhay bilang mag-aaral sa ika-pitong baitang dito sa Paaralan ng Claret ay napakahirap ngunit marami din naman kaming nagagawang maganda sa iba’t ibang bagay. Kaya noong nalaman naming sinasali kami sa grupo ng CyberFair, hindi na kami nagdalawang-isip. Alam naming ang pagsali ko sa grupo ay magbibigay sa amin ng mas malaking pagkakataon na higit na mapataas an gaming mga marka. Sa simula, ang inisip lang naming ay ang sarili namin. Subalit habang tumatagal nag-iiba ito. Napagtanto naming na ang ginagawa namin ay hindi lamanga makakabuti sa amin kundi pati na rin sa aming grupo at maging sa paaralan. Ang proyektong ito ay napakalaking bagay para sa amin. Hindi lamang kami nagging mas responsableng tao, kami rin ay hinubog bilang pinuno na may malasakit at pagpapahalaga sa bawat miyembro n gaming pangkat.

Balik sa taas

Project Elements

1. Mga Kasangkapan at Teknolohiya

Sa buong proseso ng aming proyekto , ginamit namin ang mga sumusunod:
- Mga 14 na kompyuter, lahat may “Internet Connection”
- Mga Telepono at Cellular Phones [may mga kamera (VGA at MP)]
- Print Materials (mga brochure, pamphlet atbp.)
- 5 Digitals Camera (3-7 MP)
- Mga Voice Recorders (mula sa aming mga cellular phones)
- Laptop
- Memory Stick (1GB)

Sa aming palagay, ang pinakamahalagang kasangkapan na aming ginamit ay ang Digital Camera. Tinulungan kami nito sa pagkuha ng aming mga karanasan sa biyaheng ito. Minsan nga ay ginamit namin ito upang kami ay maaliw. Nangyari ito noong kami ay nasa loob ng taksi; kinunan namin ng litrato ang pinuno ng aming grupo na si Anthony Santos habang siya ay natutulog. Ginawa namin iyon upang maibsan ang aming pagod sa biyahe mula sa Corregidor. Pagkaraan ng ilang araw, pinakita namin sa kanya ito. Humingi kami ng paumanhin sa kanya. Ginamit namin ang mga kompyuter sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa Corregidor. Ang mga telepono’t cell phone ay ginamit sa pagkuha ng mga litrato at pakikipag-usap at pakikipanayam. Ang mga voice recorder ay ginamit sa pagrerekord ng mga panayam sa mga taong nasa isla ng Corregidor. Ang memory stick naman ay ginamit sa pagtatago ng mga dokumento. Ang mga kasangkapang ito ay talagang naging malaking tulong sa amin.

2. Mga Kinatawan

Bilang mga teen-agers, napakahalaga sa amin ang pananamit. Gustong-gusto naming magsuot ng mga komportableng T-shirt at maluluwag na maong. Nkita ng grupo na ang pagpunta sa Corregidor ay isang magandang pagkakataon para magbihis ng gusto naming –yaong sunod sa uso, maluwag at komportable. Ngunit kami ay pinaalalahanan ni G. Rodelio Santos an faming Students Activities Coordinatorna higit na mainam na magsuotkami ng uniporme. Ipinaalala niya sa amin na kami ay mga kinatawan n gaming paaralan kaya nararapat lang nabuong pagmamalaki naming isuot an gaming uniporme.

3. Mga Aral na Aming Natutunan sa Paglalakbay

Sa ayaw at sa gusto mo, ang pagbisita sa Corregidor ay laging mag-iiwan ng marka sa iyong puso’t isipan. Maaari itong magbigay ng inspirasyon mula sa mga kwento sa likod ng mga gumuhong gusali, mga kanyon at mga monumentong ginawa para sa mga importanteng tao at lugar. Hindi lamang kami nakasagap ng mga mahahalagang impormasyon na kailangan sa proyekto, kundi pati na rin ang mga tamang kaugalian na tutulong sa aming lahat na maging mas disiplinado at responsableng tao. Napagtanto namin kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng aming mga ninuno sa pakikipaglaban para sa kalayaang mayroon tayo ngayon – isang bagay na hindi natin hahayaang agawin muli ng sinuman.

4. Pagkakaugnay at Pagkakaisa ng mga Miyembro ng Grupo

Noong natapos na ang aming proyekto, kami ang nakinabang. Gayunman hindi ito matatapos kung wala ang tulong ng ibang tao. Una sa lahat, Nagpapasalamat kami sa Diyos na nagbigay daan at inspirasyon sa amin sa paggawa ng aming proyekto. Siya ang tumulong upang malagpasan namin ang mga balakid na aming naranasan sa daan patungo sa aming inaasam na proyekto. Nararapat na bigyang-papuri rin ang mga taong nasa likod sa pagkakagawa ng proyektong aming pinagpaguran at ginawa: sina G. Rodelio Santos, Gng. Aisha Peig, G. Leonard Sapuay, Bb. Lorna Patawaran at Gng. Liza Lemi sa pagtulong nila sa amin na ayusin ang mga nilalaman ng aming proyekto. Pinasasalamatan din namin ang mga punong-guro ng aming paaralan sa pagbibigay ng suporta at tiwala sa amin upang makalahok sa paligsahang ito. Pinasasalamatan din namin ang Sun Cruises Inc., na naging tulay sa aming paglalakbay sa Corregidor, lalo na kay G. Richard Andrada na tumulong sa amin sa buong paglalakbay namin sa Corregidor. Nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga nangangalaga sa Corregidor. Maraming salamat.

5. Mga Natuklasan, Mga Aral at mga Sorpresa

Maraming bagay na ang aming natutunan mula nung nagsisimula pa lamang kami sa paggawa ng proyekto. Para lamang kaming nag-aaral – ngunit sa pagkakataong ito mas masaya pa kami! Natuklasan naming na ang Pilipinas ay napakayaman sa kasaysayan. Nalaman din namin na gumanap ang ating bansa sa isang makabuluhang papel sa kasaysayan: pinagdausan tayo ng napakaraming kaganapan, tumanggap ng mga bisita, tumulong sa ibang mga bansa, at naging bida sa maraming pangyayari. Nakakuha kami ng mga katuklasan hindi lamang sa ating bansa ngunit pati na rin sa mga miyembro ng grupo. Nakita namin ang ilan sa kanilang mga kinatatakutan, mga gusto at ayaw at iba pa. Totoong naging malapit na kami sa isa’t isa. Mayroon ding iba sa amin na ikinagulat ang pagkakatuklas ng mga ito sa pagitan naming. Natutuhan naming magkaisa bilang isang grupo. Ang pagkakaisa ay naging mahalagang elemento ng proyektong ito buhat pa noong una. Sa lahat ng mga proyektong panggrupo, ang pagkakaisa ay magdadala sa maraming magaganda at kapaki-pakinabang na bagay. bagay. Ang isang grupo ay nararapat na magkaisa nang sa ganoon ay makamit ang mga ninanais na maabot nito, at ganoon nga ang aming ginawa. Ang isang grupo upang magkakaisa ay nangangailangan ng isang pinuno. Ang isang mahusay na pinuno ay yaong gumagabay sa kanyang grupo at magbigay ng inspirasyon upang maging isang mabuting pinuno at masunuring miyembro ng isang grupo.

Balik sa taas

Pahina huling minodify noong Pebrero 26 2007, 10:07 GMT + 8 oras.

  • Site
    • Splash
    • Home
    • Naratibong Pag-uulat
  • Ang ating komunidad ng Corregidor
    • Tungkol sa Corregidor
    • Maikling kasaysayan
  • Lugar sa Corregidor
    • Youth for Peace Camp Site
    • Pacific War Memorial
    • Cine Corregidor
    • Monument of Eternal Flame
    • Eternal Flame
    • Filipino Heroes Memorial
    • Lighthouse
    • Malinta Tunnel
    • Battery Way
    • Battery Geary
    • Mile Long Barracks
    • Middle Side Barracks
  • Iba pa sa Corregidor
    • Mapa ng Corregidor
    • Corregidor Foundation
    • Pangalagaan ang Corregidor!
    • Anong nangyari
    • Aral na natutuhan sa Corregidor
    • Presyo
    • Souvenirs
    • Paano makapunta
  • Games
    • Tower of Hanoi
    • Ball Game
  • Miscellaneous
    • Gallery
    • Ang mga Webmasters
    • Bibliography
  • Affiliates
    • Claret School
    • CyberFair
  • Extras
    • Isalin sa Wikang Ingles
    • Isalin sa Wikang Filipino

© Copyright - Claret School of Quezon City - GS CyberFair.