Ang Malinta Tunnel

Sa silangan ng ibabang gilid ng isang burol na may taas na 390 talampakan. Ito ay tinawag na “Malinta”, nasa Bottomside mula sa dulong buntot ng isla. Upang magawa ang daanan at isang bomb-proof shelter, ang mga Amerikano ay gumawa ng isang rock quarry upang mabuo ang Malinta Tunnel. Ang paggawa nito ay tumagal ng sampung taon. Ang isang double-track electric trolley ay ginamit upang makadaan sa tunnel na ito, na pinatibay pa ng konkretong pader, konkretong lapag at overhead arches. May mga blowers na inilagay para makapasok ang sariwang hangin.
Ang Malinta Tunnel din ay naging opisina ng Philippine Commonwealth Government sa ilalim ni Pangulong Manuel L. Quezon. Sa lugar banding kanluran ng tunnel, naganap ang inagurasyon nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña bilang President at Bise-presidente sa ikalawang termino, isang simpleng seremonyas na dinaluhan ng ilangmiyembro ng garrison.
Pahina huling minodify noong Pebrero 26 2007, 13:02 GMT + 8 oras.