Ang Filipino Heroes Memorial
Ang libingang ay isa sa mga pinakabagong muhon sa Corregidor na nagpapakita ng paggalang sa mga bayani at martir sa pagpupunyagi para sa kalayaan. Ito’y mayroong labing-apat na myural na inilalarawan ang iba’t ibang kapanahunan mula sa labanan sa Mactan noong 1521 at sa naging People Power Revolution noong 1986. Ang ibang mural ay inilalarawan ang paghihimagsik ni Dagohoy noong 1744; ang 1782 sa paghihimagsik ni Palaris sa Panggasinan, ang 1896 ang Rebolusyon; at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang memorial complex ay dinisenyo ni Francisco Manosa habang ang mga mural at ang estatwa ng mga sundalong Pilipino ay inukit ni Manuel Casal. Makikita sa memorial na ito ang estatwa ni Douglas McArthur, isang Amerikanong sundalo na tumulong sa mga sundalo sa pananakop ng mga Hapones. Dahilan sa pananakop ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang ibang Pilipino ay naisama sa giyera sa maagang edad. Si Hen. Douglas McArthur ay bumalik upang tumulong sa mga Pilipino na lumaban sa mga Hapones na umabuso sa ang ating bansa.
Pahina huling minodify noong Pebrero 26 2007, 13:00 GMT + 8 oras.