Ang Cine Corregidor

Maraming imprastraktura ang nakatayo sa isla ng Corregidor. May isang imprastraktura na ipinatayo para sa libangan at kasiyahan ng mga tao at mga sundalo. Ang imprastrakturang ito ay ang Cine Corregidor. Ito ay naging sinehan ng mga tao sa Corregidor ng mga panahong iton. Maraming pelikula at mga dokumentaryo ang ipinalalabas doon. Ang mga pelikula roon ay ipinalalabas nang mas maaga kumpara sa aktwal na pagpapalabas ng mga ito sa Maynila. Ang pinakauna pelikula na ipinalabas doon ay ang “Gone With the Wind”. Ang mga pelikulang naipalabas dito ay nagpasaya sa mga tao sa isla.
Sa ngayon, nakatayo pa rin ang nasabing imprastraktura. Mababakas rito ang mga makasaysayang pangyayaring naganap sa isla. Ang inprastrakturang ito ay pinanatili ng mga opisyal ng Corregidor upang mapakita ng mga tao noon.
Pahina huling minodify noong Pebrero 26 2007, 11:05 GMT + 8 oras.