Aral na Natutuhan sa Corregidor
Ang pagbisita sa Corregidor ay lagging mag-iiwan ng marka sa iyong puso’t isipan. Nagbigay ito ng inspirasyon mula sa mga kwento sa likod ng mga gumuhong tahanan ng mga sundalo noon, kanya baril at mga monumentong ginawa para sa mga mahahalagang tao at lugar. Hindi lamang kami nakasagap ng mga mahahalagang impormasyon na kailangan sa proyekto, kundi pati na rin mga tamang kaugalian na tutulong sa aming lahat na maging mas disiplinado at responsableng tao. Napagtanto namin kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng aming mga ninuno sa pakikipaglaban para sa kalayaang mayroon tayo ngayon – isang bagay na walang sinuman ang makakakuha kung atin lamang pananatilihin ang ating pagmamahal.
Pahina huling minodify noong Pebrero 26 2007, 13:09 GMT + 8 oras.