Paano makapunta sa Corregidor

Ang Corregidor ay isang islang may 48 kilometrong layo mula Manila at ang oras ng paglalakbay ay may humigit kumulang 1 oras sa pamamagitan ng pagsakay ng barko. Ang mga detalyeng ito ay maaring ikalungkot ng mga turista. Nagkaroon din kami ng pag-aalinlangan sa pagpunta sa Corregidor dahil sa kaparehas na kadahilanan, ngunit pagkatapos naming makita ito, nakahanap kami ng magandang paraan. Ang Sun Cruises Inc. ay nagbibigay kalinga sa transportasyon sa Corregidor at sa paglalakbay sa isla. Para sa amin, kumuha kami ng mga pakete kung saan merong dalawang paraan ng transportasyon sa paglalakbay at pananghalaan. Inusisa namin sa Sun Cruises Office, malapit sa CCP Metro Manila. Ang unang barkong aalis ng 9am at sumunod ang barkong aalis ng mga 2-3pm. Kung ikaw ay hindi nagplaplano na gumugol ng oras ng magdamagan sa lugar na ito mas maganda para sayo ng pang-umagahan. Para sa mas madaming impormasyon, tumungo na lamang sa Sun Cruises Inc.
Pahina huling minodify noong Pebrero 26 2007, 13:10 GMT + 8 oras.