Maikling buod ng kasaysayan ng Corregidor
Si Manuel L. Quezon, ang pangulo ng Pamahalaang Commonwealth ng Pilipinas, ay pinayuhan ni Gen. MacArthur na lumikas papuntang Corregidor. Umalis ang partido ng pangulo mula sa Maynila noong ika-24 ng Disyembre, 1941 at naging mga refugee sa “island fortress”. Kasama ni Pangulong Quezon ay ang kanyang asawa, si Dona Aurora; ang kanyang dalawang anak na babae, sina Maria Aurora at Zenaida, at ang kanyang anak na lalaki na si Manuel Jr. Kasama rin sa partido sina Pangalawang Pangulong Sergio Osmeña, Punong Hukom Jose Abad Santos, Major General Basilio J. Valdes, ang Philippine Army Chief of Staff, Col. Manuel Nieto; at si Serapio D. Canceran, ang pribadong kalihim ng pangulo. Ang Malinta Tunnel sa Corregidor, ang tirahan ng Pangulong Quezon. Ang kanyang pamilya ay nanatili malapit sa unang lateral at pinakamalapit sa Silangang entrance ng Malinta Tunnel.
Ang inagurasyon ni Pangulong Quezon para sa kanyang pangalawang termino bilang Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth noong Disyembre 30, 1941 ay nagbigay ng isang kakaibang pagbabago sa regular na buhay sa loob ng lagusan (tunnel). Simple lamang ang naganap na seremonya, at kahit nagmukha itong kaawa-awa, naganap ito para sa isang natatanigng pangyayari. Sa talumpati ni Pangulong Quezon, sinabi niyang: “Ours is a great cause. We are fighting for human liberty and justice, for those principles of individual freedom which we all cherish and without which life would not be worth living. Indeed, we are fighting for our own independence. It is to maintain this independence, these liberties, and these freedoms that we are sacrificing our lives and all that we possess.” Noong umalis si Quezon mula sa Corregidor sa pamamagitan ng isang submarine noong ika-20 ng Pebrero, binigay niya kay MacArthur ang kanyang singsing at sinabing, “Pag natagpuan nila ang iyong katawan, gusto kong malaman nilang lumaban ka para sa aking bansa.” Habang pinamumunuan niya ang pamahalaan ng Pilipinas nang ipinatapon siya sa Estados Unidos para sa susunod na dalawang taon, ang kanyang sakit na tuberkulosis ay lumala. Namatay siya noong Agosto 1, 1944, higit-kumulang tatlong buwan bago ang makasaysayang pagbabalik ni MacArthur sa Pilipinas.
Si Douglas MacArthur ay isang magaling, kontrobersyal, at matalinong five-star na heneral sa U.S. Army. Noong 1930 itinalaga ni Pangulong Herbert Hoover si Heneral MacArthur bilang Chief of Staff. Nanatili si Pangulong Franklin D. Roosevelt sa kanyang posisyon hanggang noong 1935. Noong si MacArthur ay bumalik sa Pilipinas bilang military advisor sa bagong itinatag na Philippine Commonwealth. Itinatag niya ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Dahil sa pagmamalasakit ni Heneral Douglas Mac Arthur sa kalagayan ng bansa siya ay tinaguriang “Field Marshall ng Hukbong Pilipino.
Dahil sa pagsiklab ng digmaan sa Europa at sa lumalakas na Japanese Expansion sa Far East, ang U.S. Army Forces Far East, ay itinatag. Si Pangulong Roosevelt ay ipinatawag muli ni Heneral MacArthur bilang komander ng kanilang mga hukbo. Itinalaga din ang Hukbong Pilipino, at ipinatawag upang maglinkod para sa Hukbo ng Amerika. Naabala si Heneral Mac Arthur sa pagpaplano, pagsasayos, pagsasanay, at pamimigay ng mga pangagailangan hanggang Disyembre 8, 1941. Kahit maayos na ang hukbo, lalo na ang lakas ng kanilang air units natalo parin ang Hukbong Pilipino sa mga Hapon. Sila ay bumalik at nagtago sa peninsula ng Bataan at sa mga isla na tumatakip sa Manila Bay, ang isla ng Corregidor, ang mga Amerikano at Pilipino sa ilalim ni Heneral MacArthur ay nagpatigil rin sa mga Hapon.
Pahina huling minodify noong Pebrero 26 2007, 09:29 GMT + 8 oras.