Tungkol sa Corregidor
Ang pangalan ng Corregidor ay nakuha sa salitang Corregir isang salitang espanyol na ang ibig sabihin ay “gawing tama” sa wikang Filipino.
Ang Corregidor ay isang maliit na isla kung saan ang mga Pilipinong sundalo ay nagpakita ng kanilang katapangan sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa. Pero ngayon, ang Corregidor ay isa ng sikat na pasyalan. Makikita dito ang mga gamit ng mga sundalo at ang mga lugar kung saan sila tumira. Mayroon din mga museo kung saan makikita ang mga larwan ng Corregidor sa panahon ng digmaan, mga damit at iba pang nilang kagamitan. Sa tulong ng mga ibang pangkat transpotasyon, makapupunta na sa “Fortress of Courage”.
Pahina huling minodify noong Pebrero 26 2007, 10:42 GMT + 8 oras.